900 bata, natulungan ng Project Angel Tree ng DOLE Region 1

Aabot na sa 900 na mga bata ang natutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pangasinan sa paglulunsad ng Project Angel Tree.

Ayon kay Grace Ursua, Regional Director ng DOLE sa rehiyon uno na layunin ng proyekto na mapaganda ang kalagayang pang-ekonomiya at sa lipunan ng mga child laborers at ang kanilang pamilya.

Ang mga bata mula sa dalawampung barangays sa pangasinan ay nabigyan ng regalo na naglalaman ng groserya, gamit sa pag-aaral at mga damit.

Ang mga benepisaryo sa DOLE Project Angel Tree ay mula sa lungsod ng Dagupan at Urdaneta, at sa bayan ng Aguilar, Alcala, Lingayen, Mabini at San Fabian.

Speak Your Mind

*