AFP, nagpaalala sa kasundaluhan na huwag mag-endorso ng mga kandidato

Pinaalalahanan ng Armed forces of the Philippines o AFP ang kanilang mga tropa na manatiling “apolitical” o walang kinikilingan kasabay ng pagsisimula ng kampanya para sa eleksyon.

Sa isang pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla na hindi maaaring gumamit ng mga campaign paraphernalia na maaaring makapag-endorso ng mga kandidato ang mga sundalo.

Dagdag pa ni Padilla, imo-monitor rin ng militar ang social media ng kanilang mga sundalo na posibleng nangangampanya sa isang partikular na kandidato.

Hindi rin aniya maaaring mangampanya ang mga kandidato sa loob ng mga kampo ng militar.

Speak Your Mind

*