Alaska Aces, naitala ang unang panalo sa 2016 PBA Commissioner’s Cup

Nakuha ng Alaska Aces ang una nilang panalo sa nagpapatuloy na 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na talunin ang Talk N’ Text Tropang Texters sa iskor na 108-100.

Pinangunahan ni Import Shane Edwards ang Aces na nakagawa ng 36 points at 20 rebounds.

Nag-ambag din ang halos lahat ng player ng Aces kabilang na sina Vic Manuel at RJ Jazul na nakagawa ng 13 points.

Lamang sa unang tatlong quarter ang Texter ngunit pagdating ng huling quarter ay nagawang dominahin ng Aces ang Texter para kunin ang kanilang unang panalo.

Sa ngayon hawak ng Aces ang 1 win 1 loss standing.

Samantala, nagawa namang makabangon mula sa tatlong sunod na pagkatalo ang Star Hotshot matapos na talunin ang Blackwater elite sa iskor na 122-103.

Speak Your Mind

*