Anne Curtis, masaya sa bagong labas na librong pambata

Hindi maitago ang ngiti ng Its Show Time Co-Host Anne Curtis matapos na mailabas ang pinakabago nitong librong pambata na may titulong ‘Anita the Duckling Diva’.

Nagpapasalamat ang aktres sa United Nations Children’s Fund (Unicef), sa ibinigay sa kanyang oportunidad na makapagsulat ng libro

Aniya, kung hindi lamang siya naging artista, isa sa kanyang mga pangarap noon ay maging isang pre-school teacher.

Ang librong anita The Duckling Diva, ay istorya ng isang ‘duck’ na naging mahiyain matapos ma-bully habang kumakanta.

Ngunit dahil sa tulong ng kanyang ina at kaibigan ay sumali siya sa isang contest at pinatunayan sa lahat na magaling siya

Pinili naman ni Anne ang ‘duck’ character dahil ito ay may kaugnayan sa mga pinagdaanan niya bilang isang bata.

Speak Your Mind

*