Aplikasyon para sa CSE-PPT, hanggang Feb. 26 nalang

Hanggang Pebrero a-bente sais na lamang ang pagsusumite ng aplikasyon para sa mga nagnanais kumuha ng Career Service Examination, Paper-and-Pencil Test (CSE-PPT) sa April 17, 2016.

Ayon kay Romel Rivera, Senior Human Resource Specialist ng Civil Service Commission (CSC) –Lingayen Field Office ang magiging testing centers sa professional at sub-professional exams  ay sa Dagupan City National High School (DCNHS) at Lyceum-Northwestern University sa lungsod ng Dagupan.

Pagkatapos naman ng pagsusulit sa Abril ay muling isasagawa ang eksaminasyon sa October 23 at ang filing period naman ay umpisa Mayo a-nueve hanggang Setyembre a-uno.

Binigyang diin ni Rivera na magandang kumuha ng pagsusulit at pumasa para maging eligible na pumasok ng government service.

Samantala, sa naganap naman na pagsusulit noong December 6, 2015, sa rehiyon uno ay mayroong pumasa na 600 examinees sa professional level habang 201 naman ang pumasa sa sub-professional level.

Speak Your Mind

*