Aral ng EDSA People Power One, hindi dapat kalimutan – Pimentel

Aquilo Pimentel JrHindi dapat kalimutan ng mga kabataan ang diwa at aral ng EDSA People Power One.

Sa panayam sa dzar sonshine radio kay dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Junior, sinabi nito na mahalagang maipasa sa bagong henerasyon ang mga kaganapan sa martial law at EDSA People Power One.

Nasa taumbayan rin aniya ang buhay na diwa ng EDSA.

Nanawagan naman si Pimentel sa mga Kabataan na huwag pahintulutan ang sinuman na pigilin ang karapatang pantao para sa kanilang sariling interes.

Speak Your Mind

*