Arroyo at Corona, muling pinasaringan ni PNOY

Ilan buwan bago bumaba sa pwesto, ipinagmalaki ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga nagawa niya sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan.

Sa kaniyang mensahe sa Los Angeles Affairs of the World Council Forum, iginiit nito ang mga problemang kaniyang dinatnan sa pag-upo noong 2010 kabilang na ang budget system.

Ayon sa pangulo, agad niyang sinulusyunan ang problema sa budget management sa pamamagitan ng zero based budgeting.

Sa ilalim rin daw ng kaniyang pamumuno ay hinabol ang mga nagkasalang opisyal ng bayan kabilang sina dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at ang tatlong senador na nadadawit sa sampung bilyong pisong pork barrel scam.

Gayundin ang napatalsik na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona dahil sa maling Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Speak Your Mind

*