AUTOPRO-Pangasinan, nagkusang magtapyas sa pamasahe

Umpisa ngayong araw, may 50 centavo nang tapyas sa pamasahe sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito’y matapos ang kusang pagbaba sa pasahe ng Alliance of United Transport Organization Province Wide (AUTOPRO) alinsunod na rin sa inihain nilang petisyons sa land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB)

Ayon kay Benny Aquino, President AUTOPRO-Pangasinan, nagkusa at pansamantala na silang nagbaba ng pamasahe alinsunod na rin sa mababang presyo ng diesel.

Noong biyernes, pumapalo lamang sa 17.10 kada litro ang presyo ng diesel sa probinsya.

Speak Your Mind

*