Bangus grower, malaki ang problema sa epekto ng El Nino

bangus fishpondMalaki ang kakaharaping problema ang mga bangus grower sa lalawigan ng Pangasinan sa pagtama ng El Nino sa bansa.

Ito ayon kay dr. Westly Rosario, hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Integrated Fisheries and Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) ay dahil pagtaas ng salinity level ng mga palaisdaan.

Ayon kay Rosario dahil sa El Nino mahirap para sa mga bangus grower ang magpalit ng tubig kayat halos hindi na gumagalaw ng tubig sa mga palaisdaan.

Sinabi pa ni Rosario na posibleng magdulot ng fishkill o pagkamatay ng mga alagang isda ang pagtaas ng salinity level o labis na pag-alat ng tubig.

Ipinapayo naman ng BFAR na upang maiwasan ang pagkalugi sa produksyon ng bangus, habang nararanasan ang el nino ay iwasan muna ang pag-stock ng marami sa isda sa palaisdaan.

Speak Your Mind

*