Barangay Fire Brigade Olympics, isinagawa ng BFP Central Luzon

Isinagawa ng Bureau of Fire Protection o BFP Region 3 ang 2nd Central Luzon Provincial Barangay Fire Brigade Olympics na dinaluhan ng mga fire brigade ng bawat barangay sa anim na probinsya ng Region 3.

Ayon kay Chief Supt. Aloveel Ferrer, BFP Regional Director, may kabuuang bilang na 117 teams ang sumali ngayong taon kumpara sa 113 na koponan noong 2015.

Sinabi ni Ferrer na ang nasabing aktibidad ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng Barangay Fire Brigades bilang mga multipliers na rumiresponde sa mga insidente ng sunog man-made man ito o natural disaster.

Dagdag pa ni Ferrer, bumaba ng 36 percent ang insidente ng sunog sa buong rehiyon dahil sa pinaigting na informaton dissemination ng BFP.

Pagkakalooban din ng ahensya ang bawat bayan sa buong rehiyon ng tig- isang fire truck ngayong taon.

Sa kasalukuyan, apat na lamang na bayan sa buong rehiyon ang walang sariling fire truck.

Speak Your Mind

*