Benepisaryo ng SPES ng DOLE-Central Pangasinan, tumaas

Nadagdagan ngayon ang bilang ng itinakdang benepisaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and eMployment (DOLE) sa Central Pangasinan.

Ayon kay Engr. Engracio Bailon, head ng DOLE-Central Pangasinan mula sa bilang na 617 SPES beneficiaries ay umakyat ito sa higit 800.

Hinihikayat ni Bailon ang mga national agencies, lokal na pamahalaan at pribadong kompanya na maging kapartner sa pagtataguyod ng spes.

Sa ilalim ng SPES ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na mag-aaral na edad 15 hanggang 25 na makapag-trabaho sa dole partner agencies at companies sa loob ng ilang araw.

Babayaran ang mga estudyante ng minimum wage, na makakatulong sa pagbili ng mga pangangailangan nila sa paaralan at pantustos sa kanilang pag-aaral.

Hiling ni Bailon sa mga interesadong kompanya na maging katuwang nila sa pagtataguyod ng SPES Program na makipag-ugnayan sa peso sa kanilang bayan o syudad o sa pinaka-malapit na DOLE Office.

Speak Your Mind

*