Blood Donation and First Aid Orientation ng KBP–Pangasinan Chapter, kasado na

Blood Donation KBPMagsasagawa ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)–Pangasinan Chapter ng Blood Donation and First Aid Orientation.

Gaganapin ito sa isang CSI Mall sa barangay Lucao sa lungsod ng Dagupan sa Miyerkules, Pebrero a-bente kuatro, umpisa alas nuebe ng umaga.

Hinihikayat ni Noel Sibayan, Chairman ng KBP-Pangasinan Chapter ang mga volunteers, mga miyembro ng grupo at ibang media practitioners na makiisa sa bloodletting activity.

Layon ng aktibidad na ngayon ay nasa ikatlong taon na mai-promote ang kusang pag-do-donate ng dugo para maging sapat ang suplay na nasa Philippine Red Cross (PRC).

Dagdag ni Sibayan na ang mga brodkaster ay hindi lamang mamamahayag at nagbibigay serbisyo kundi tumutulong rin na magsalba ng buhay sa pamamagitan ng pag-do-donate ng dugo.

Isasagawa ng KBP-Pangasinan Chapter ang aktibidad katuwang ang PRC-Pangasinan Chapter at lokal na pamahalaan ng Dagupan.

Speak Your Mind

*