Blood Donation Drive ng KBP-Pangasinan, umaarangkada ngayong araw

Umaarangkada ngayong araw ang isinasagawang Blood Donation and First Aid Basic Orientation ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)–Pangasinan Chapter sa CSI Mall Dagupan.

Nakiisa naman sa bloodletting activity ang mga KPB members, media practitioners, at mga volunteers.

Ayon kay Noel Sibayan, Chairman ng KBP-Pangasinan Chapter ang Layun ng aktibidad na mai-promote ang kusang pag-do-donate ng dugo para maging sapat ang suplay na nasa Philippine Red Cross (PRC).

Dagdag ni Sibayan na ang mga brodkaster ay hindi lamang mamamahayag at nagbibigay serbisyo kundi tumutulong rin na magsalba ng buhay sa pamamagitan ng pag-do-donate ng dugo.

Samantala, patuloy naman inaanyayahan ang lahat na nasa edad 18-65 taong gulang may timbang na hindi bababa sa 50 kilos para sa pag do-donae ng dugo sa kbp blood donation na magtatagal hanggang mamayang hapon.

Speak Your Mind

*