Boracay, isa sa mga may best beaches in the world

Kinilala ang Boracay bilang isa sa mga may best beaches sa buong mundo.

Pasok sa ika-labing anim na puwesto ang isla ng boracay sa 25 Best Beaches Around the World 2016 ng Qantas.

Ang Qantas ay isang flag carrier ng Australia na may mga international destination na kumikilala sa kagandahan ng iba’t-ibang destinasyon sa buong mundo.

Kinilala ng Qantas ang Boracay dahil sa angking kagandahan dulot ng puting buhangin,mala-crystal na tubig at masayang night life.

Kabilang din sa top 25 best beaches ang Wineglass Bay sa Tasmania East Coast, Cayo Lago sa Cuba, Maya Bay sa Thailand, Tabbit Beach sa laMpedusa at ang Powder Sand ng Eagle Beach.

Speak Your Mind

*