CHED, aminadong apektado sila ng ipinatupad na k+12 Program

Aminado ang Commission on Higher Education o CHED na malaki ang epekto sa kanilang ahensya ang ipinatupad ng k+12 program ng Department of Education (DepED).

Ito ayon kay Reynaldo Agcaoili, CHED-Region1 Information Officer ay dahil marami sa mga college faculty member ang mawawalan ng trabaho dahil dalawang taong walang estudyanteng tutongtong sa koliheyo.

Ganumpaman, naglaan na umano ang CHED ng 8.2 bilyon piso para sa transition fund ng ahenya kung saan ihahanda ang mga guro sa koliheyo sa mas mataas na antas ng pagtuturo.

Kabilang na aniya rito ang pagsasa-ilalim sa kanilang sa ibat-ibang training, capacity building maging ang paghikayat sa kanila na tapusin ang kanilang master degree at doctorate.

Prayoridad din umano ang mga college faculty member na magturo sa basic education kung sila ay qualified sa mga requirement ng DepED.

Speak Your Mind

*