CHED, wala daw kapangyarihan para pigilan ang pagtaas ng matrikula

Wala umanong kapangyarihan ang Commission on Higher Education (CHED) na pigilan ang mga eskwelahan na magtaas ng matrikula.

Sa panayam ng sonshine radio kay CHED Executive Director Attorney Julito Vitriolo, sinabi nito na karapatan ng mga kolehiyo at unibersidad na magtaas ng kanilang matrikula sang-ayon sa batas.

Sinabi rin ni Vitriolo na ang pagpapataw ng mga kaukulang regulasyon at pagdedetermina kung risonable ang pagtataas ng matrikula lamang ang papel ng CHED kapag may proposed tuition fee increase.

Pinabulaanan rin ni Vitriolo ang ulat ng Kabataan Partylist na umabot na sa apatnaraang eskwelahan ang magtataas ng matrikula sa susunod na Academic Year.

Ayon kay Vitriolo, hindi pa tapos ang mga konsultasyon kaya’t wala pang pinal na bilang kung ilang eskwelahan ang magtataas ng matrikula.

Speak Your Mind

*