China, kinumpirma ang unang kaso ng Zika Virus

Kinumpirma ng China ang unang kaso ng Zika Virus sa kanilang bansa.

Ayon sa ulat, isang trenta-siyete anyos na lalaki ang nagpositbo sa naturang sakit makaraang bumiyahe mula sa Venezuela.

Nakitaan umano ang lalaki ng mga sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng ulo at pagkahilo.

Sa kasalukuyan, naka-quarantine na ang naturang pasyente sa Ganxian Hospital at unit-unti na umanong bumubuti ang kalagayan nito.

Dalawampu’t anim na bansa na ang may kumpirmadong kaso ng zika virus habang pinakamalalang naapektuhan nito ay ang Brazil na nakapagtala na ng mahigit sa dalawampung libong kaso ng Zika Virus.

Speak Your Mind

*