China, naglagay ng missile sa isang isla sa West Philippine Sea

Naglagay ng advanced surface-to-air missile system ang China sa isla sa West Philippine Sea.

Sa report ng Fox News, nagpakita ng satellite imagery mula sa Imagesat International kung saan mayroong dalawang baterya ng walong surface-to-air missile launchers ang nakuhanan ng larawan sa Woody Island.

Makikita din sa larawan ang isang radar system.

Ang Woody Island ay bahagi ng Paracel Island na pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa ulat, dumating sa nasabing isla ang mga missiles noong nakaraang linggo.

Sa satellite image kasi ng isla noong Pebrero a-tres wala pa ang nasabing mga pasilidad sa isla at unang nakita ang missiles noong Pebrero katorse.

Speak Your Mind

*