Comelec, mahigpit na babantayan ang ikakabit na mga Campaign Materials

ComelecPuspusan ang pagmomonitor ng Commission on Elections (Comelec) upang siguruhing nasusunod ang itinakda sa batas kaugnay ng pagkakabit ng mga campaign materials.

Ayon kay Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor ng Comelec-Pangasinan ang mga campaign materials na inilagay sa hindi itinakdang lugar ay tatanggalin ng komisyon katuwang ang kanilang mga deputy.

Paliwanag ni Salas na ang mga common poster areas ay inilalagay sa mga matataong lugar na ito naman ay tinukoy ng election officer.

Nakiki-usap ang Comelec sa mga kandidato na bumisita sa pinaka-malapit na opisina ng komisyon sa kanilang lugar para kunin ang listahan ng mga itinalagang common poster areas na pwedeng paglagyan ng mga campaign paraphernalia.

Ipinaalala ni Salas na bawal magkabit ng campaign materials sa mga poste at kawad ng kuryente, poste ng telepono, traffic lights at overpass.

Speak Your Mind

*