Comelec, mali raw ang naging desisyon kaya’t nahaharap sa mga problema

Naniniwala si dating Commission on Elections Commissioner Gus Lagman na mali ang pinagtuunan ng pansin ng Comelec para sa eleksyon 2016.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni Lagman na mali ang naging desisyon ng Comelec dahil sa ang makinang gagamitin sa eleksyon ang tanging tiningnan ng ahensya.

Kaya mungkahi ni Lagman, maglagay ang Comelec ng mga eksperto sa teknolohiya para maisaayos ang problema sa sistema ng gagamiting vote-counting machines.

Mas mainam aniya na gawing mabilis ang pagpapagalaw sa makina para maihabol naman ang pag-iimprenta ng mga balota.

Dagdag pa ni Lagman, dapat na rin daw tibayan ang contingency plans ng ahensya.

Speak Your Mind

*