Customs Broker at Port Truckers, ikakasa ang 1 week working holiday

Nagpahayag ng pagtutol ang mga customs broker at port truckers sa ipapatupad na Terminal Appointment Booking System (TABS).

Magkakasa ang mga ito ng isang linggong working holiday simula sa Marso a-syete.

Ayon kay Aduana Business Club President Mary Zapata, hindi dumaan sa tamang proseso ang implementasyon ng TABS.

Minaliit naman ni Customs Commissioner Alberto Lina ang isang linggong working holiday ng mga broker at trucker.

Idinepensa rin ni Cabinet Secretary at Port Czar Rene Almendras ang pagpapatupad ng TABS.

Sisimulan ang pagpapatupad nito sa Marso a-kinse.

Speak Your Mind

*