DA Region 1, tiniyak na handa sa posibleng paglala ng epekto ng El Nino

Tiniyak ng Department of Agriculture o DA Region 1 na handa ang kanilang ahensya sa napipintong paglala ng epekto ng El Nino na makaka-apekto sa maraming magsasaka.

Sa panayam ng sonshineradio kay Roosevelt Peralta, Project Evaluation ng DA-Region 1 sinabi nito na kahit wala pa ang El Nino ay nakapaghanda na sila ng assistance para sa mga magsasaka.

Aniya, buwan palang ng Agosto ay inabisuhan na nila ang mga Upland farmers na magtanim ng mga early maturing at mga drought resistance crop na hindi nangangailangan ng maraming tubig.

Idinagdag pa ni Peralta na upang matutukan ang mga posibleng kaharaping problema ng mga magsasaka ay may ipinapatupad ang D-A na mga programa tulad ng rice banner program, corn banner program, livestock banner program, at high value commercial crops development program.

Patuloy din naman aniya ang D-A sa pagbibigay ng water pump sa mga kuwalipikado samahan ng mga magsasaka, kooperatiba na humihiling ng patubig.

Speak Your Mind

*