Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipapatupad bukas

Sabay-sabay na magpapatupad bukas ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Chevron, Petron, Flying V at Unioil, magtataas ito ng bente sentimo sa kada litro ng gasolina habang magtatapyas naman ng diyes sentimo sa kada litro ng diesel.

Magbabawas din ang Shell, Petron, Sea Oil, Flying V at Chevron ng kinse sentimo sa kada litro ng kerosene.

Ang Eastern Petroleum ay magtataas naman ng kinse sentimo sa kada litro ng diesel habang kinse sentimo ang itatapyas sa kada litro ng gasolina.

Speak Your Mind

*