Dagdag na hazard pay ng PNP at Afp, inihirit sa Kamara

Pinadadagdagan sa kamara ang hazard pay na matatanggap ng mga police personnel.

Ito ay kasunod ng ambush incident na naganap sa Cagayan Province na ikinasawi ng anim na pulis.

Nakasaad sa ilalim ng House Bill 5455, pinatataasan sa 25 percent ng basic pay ang combat duty na 240 pesos ng mga pulis.

Kabilang sa dagdag na hazard pay ang mga commissioned at non-commissioned PNP Personnel na naka-deploy sa mga kritikal na lugar.

Kasama din sa panukalang dagdag na combat pay increase ang tactical units tulad ng Special Action Force (SAF).

Bukod sa hazard pay increase, nakasaad din sa nasabing panukala ang dagdag na 50 percent mission allowance sa mga AFP Personnel na napapasabak sa labanan.

Iginiit ng kongreso na ang mga pulis at sundalo ay nakakatanggap lamang ng maliit na sahod, allowance at benepisyo na hindi sapat sa trabaho nila araw-araw.

Speak Your Mind

*