Dagdag na singil ng meralco sa buwan ng Pebrero, posibleng ipa-refund

MeralcoPosibleng ipa-refund ng Energy Regulatory Commission ang dagdag na singil sa kuryente ng manila electronic company sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay ERC Spokesperson Attorney Baldo-Digal, mataas ang kwarenta dos sentimo kada kilowatt hour na ipinatupad ng meralco ngayong buwan ng Pebrero.

Dagdag ni Digal, ipag-uutos nila ang refund kapag napatunayang may mali sa komputasyon ng Mercalco kaya ito nagpatupad ng dagdag-singil.

Aabutin rin umano ng isang buwan ang ERC para pag-aralan ang mga dokumentong isinumite ng meralco para idepensa ang power rate hike.

Speak Your Mind

*