Dalawang Board Members ng Pangasinan, paparangalan

Dalawang Board Members ng Pangasinan ang kabilang sa bibigyang parangal ng kanilang national na grupo.

Sa naganap na Sangguniang Panlalawigan Regular Session ay ini-anunsyo ni Second District Board Member Raul Sison, National Treasurer ng Board Members League of the Philippines ang mga bibigyang parangal na retirees ay sina Board Member Alfonso bince at Board Member Danny Uy.

Ang pagpaparangal sa mga nabanggit ay itinaon sa huling National Convention ng Liga na gaganapin sa Manila Hotel sa February 22.

Dahil nataon naman na Lunes ang aktibidad, na iskedyul naman ng regular session ng Sangguniang Panlalawigan ay napagpasyahan ng mga miyembrop na wala munang sesyon at dadalo sila sa okasyon bilang suporta at pagbibigay pag-galang sa kanilang mga kasamahang awardees.

Speak Your Mind

*