Dating Azkals Captain Rob Gier, magreretiro na

Magreretiro na sa paglalaro ng Football si dating Philippine National Men’s Football Captain Rob Gier.

Ginawa ni Gier ang anunsyo sa Facebook Page.

Naging bahagi ng Azkals si Gier noong 2009.

Nakapaglaro siya sa AFF Suzuki Cup kung saan umabot ang Azkals sa semifinals at dahilan kung bakit tumaas ang katanyagan ng sport sa Pilipinas.

Sa kanyang nalalapit na pagreretiro, nagbalik-tanaw at nagpasalamat si Gier sa karanasan sa football at naging kontribusyon ng laro sa kanya.

Speak Your Mind

*