DCBCC, nagsagawa ng Mobile Blood Donation Activity

CBCC

Dagupan City Blood Coordinating Council

Ngayong buwan ng mga puso, nakiisa ang Dagupan City Blood Coordinating Council (DCBCC) sa pagdo-donate ng dugo bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Isinagawa ang 1st Mobile Blood Donation Activity sa CSI Mall, Lucao District Dagupan, City para makalikom ng mas maraming suplay ng dugo para sa mga Pangasinense.

Ayon kay Rhza Ventilla, Focal Person ng DCBCC, mahalaga na naka-imbak na maraming dugo para may magamit sa oras ng pangangailangan lalo na kung ito ay emergency.

Bukod naman sa mobile blood donation, nakaroon din ng blood typing activities o ang “Blood Mo Type Ko at Wheelchair Assesment sa mga person with disabilities o PWD para malaman ang Dagupenyo na nangangailangan ng wheelchair.

Speak Your Mind

*