Deped-Dagupan, handa na sa pagbubukas ng senior high school

Puspusan na ang paghahanda ng Dagupan City Schools Division para sa pagbubukas ng Senior High School ngayong Hunyo.

Ayon kay Schools Division Supt. Froserfina Bravo, tinatayang dalawang libong estudyante ang unang batch na papasok para sa senior high shool.

Walong pampublikong paaralan sa lungsod ang magbibigay ng senior high program, at mayroon ding mga pribado paaralan.

Tiniyak naman ni Bravo na handa na ang mga piling paaralan na mag-aalok ng senior high.

Sa katunayan aniya ay puspusan na rin ang konstruksyon ng mga gusali at classroom at puntirya na matapos ang mga ito sa buwan ng Mayo bilang paghahanda naman sa pasukan sa buwan ng Hunyo.

Hinihitay narin ang pagdating ng mga module na gagamitin sa pagsisimula ang Senior High program ng deped sa darating na Hunyo.

Speak Your Mind

*