Deped, iginiit na may sinusunod na guidelines sa end of school year rites

Nilinaw NG Department of Education (DepEd) region 1 na may sinusunod ng guidelines ang ahensya sa pagpapatupad ng end of school year rites sa mga pampubliko at prinadong paaralan sa elementarya at sekondarya.

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ni Darius Nieto, DepEd Information Officer na ipinapatupad parin ng deped ang “no collection policy” dahil maaari namang kuhain sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang mga gagastusin sa graduation.

Kabilang na aniya rin ang gastusin sa pagpapagawa ng certificate, decoration sa stage, sound system at iba pa kaya malinaw na walang babayaran ang mga magtatapos na estudyante.

Sakali naman aniya may mapagkasunduan sa pagpapagawa ng year book, depende na ito sa pag-uusap ng Parents-Teachers Associations, ngunit ito ay hindi compulsory kundi voluntary lamang.

Idinagdag pa ni Nieto na maaaring magreklamo ang isang magulang sa pinakalapit na DepEd School Division Office kung sila ay sisingil ng paaralan sa mga nabanggit na pagkakagastusan.

Speak Your Mind

*