Direk Wenn Deramas, pumanaw na

Pumanaw na ang direktor na si Wenn Deramas ngayong umaga dahil sa cardiac arrest sa edad na apatnapu’t siyam.

Ayon sa kaibigan ng direktor na si John Rufino, personal na nagtungo si Direk Wenn sa Capitol Medical Center alas dos ng madaling araw.

Dagdag pa ni John, nagkaroon ng heart attack ang direktor dalawang taon na ang nakakaraan at sumailalim sa angioplasty noong nakaraang taon.

Ibuburol ang labi ni Direk Wenn sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue ngayong araw.

Si Direk Wenn ang nasa likod ng mga pelikulang “Ang Tanging ina” series, “The Unkabogable Praybeyt Benjamin,” “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” “the Amazing Praybeyt Benjamin” at “Beauty and the Bestie”.

Speak Your Mind

*