DOH, sisimulan na ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra dengue

DengueAarangkada na ang pagbibigay ng libreng bakuna ng Department of Health (DOH) kontra dengue.

Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee-Suy, sisimulan nila sa Abril hanggang Hunyo sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region, Region 3 at Region 4 ang pagbibigay ng bakuna.

Babakunahan ang mga estudyanteng nasa ika-4 na baitang sa elementarya maliban nalamang sa mga edad 9 pababa.

Ipinaalala naman ni Lee-Suy na hindi gamot kundi bakuna ang dengvaxia na magsisilbing proteksyon ng mga bata sa dengue.

Ayon pa kay Lee-Suy, bagama’t mayroong bakuna kontra dengue, hindi dapat tumigil ang publiko sa kampanya para sa malinis na kapaligiran.

Speak Your Mind

*