DOLE-Central Pangasinan, tumatanggap na ng aplikasyon para sa SPES

DOLETumatanggap na ng aplikasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Special Program for the Employment for Students (SPES) ngayong summer.

Ayon kay Engracio Bailon, chief ng DOLE-Central Pangasinan iba’t ibang mga employers ang nagpahiwatig ng aabot sa 800 slots na bukas para sa mga nagnanais maging bahagi ng SPES.

Ang SPES ay bukas sa mga estudyante na edad kinse hanggang bente singko taong gulang.

Binigyang diin ni Bailon na malaking tulong ang matatanggap ng mga SPES beneficiaries sa kanilang pag-aaral ang matatanggap na sweldo.

Ang SPES ay ipinapatupad ng Dole sa ilalim ng Republic Act Number 9547 o batas para tulungan ang mga mahihirap pero karapat-dapat na mga estudyante na magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagta-trabaho tuwing summer at christmas season.

Speak Your Mind

*