DOLE, ipinaalala ang tamang pasahod ngayong araw

Nagpaalala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na ibigay ang tamang pasahod sa mga empleyado na papasok ngayong araw.

Ito’y matapos iproklama ng Malakanyang na walang pasok sa pribado at pampublikong sektor ngayong araw kaugnay ng selebrasyon ng 30th Anniversary ng Edsa People’s Revolution.

Batay ito sa Proclamation Number 1105 na special non-working holiday ngayong pebrero a-bente singko.

Sinabi ni Engr. Engracio Bailon, District Chief ng DOLE-Central Pangasinan dahil sa holiday ngayon ay karagdagang tatlumpung porsyento sa kanilang sahod ang matatanggap ng mga papasok sa trabaho.

Sa kabuuan aniya ay 130 percent ang matatanggap ng empleyado at premium pay para sa special holiday.      

Speak Your Mind

*