DTI, hinikayat ang mga negosyante na magtalaga ng CWDS

DTIHinihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang lahat ng mga negosyante sa Pangasinan na magtalaga ng Consumer Welfare Desks (CWDS).

Sinabi ni Engr. Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI-Pangasinan na ang CWDS ang hahawak ng mga reklamo ng consumer para mapanatili ang pag-unlad ng larangan ng pagnenengosyo.

Kabilang sa mga maaaring ilapit na problema ng konsumer sa CWDS ay kapag nakabili ng depektibong produkto at hindi magandang serbisyo.

Iginiit ni Mangabat na sa tulong ng complaint desk ay mapapakinggan at mabibigyang solusyon ang problema ng mamimili.

Payo naman ni Mangabat sa mga may-ari ng establisemyento na nais magtatag ng CWDS na hingin lamang ang suporta ng ahensya.

Speak Your Mind

*