DTI-Pangasinan, bibigyang pagkilala ang mga negosyante at establisemento

Bibigyang pagkilala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante at establisemento na natatangi at maganda ang ibinibigay na serbisyo sa mga kustomers.

Ayon kay Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI-Pangasinan ito ay ang tinatawag na paggawad ng ahensya ng Bagwis Seal of Excellence.

Lahat ng mga department stores, hardware stores, appliance centers at accredited ng dti na service o repair shops ay maaaring sumali sa Bagwis Accreditation Program.

Sa pamamagitan ng nasabing programa ay binibigyang pagkilala ang mga establisemyento na nagpapatupad ng karapatan ng mga kustomers at ang kanilang responsibilidad sa lipunan hindi lamang sa pagbibigay ng de kalidad na produkto kundi pati na rin magandang pag-asikaso sa kanilang mga kliyente.

Noong nakaraang taon ay 37 na stablisemyento sa Pangasinan ang ginawaran ng Gold and Silver Seal of Excellence.

Speak Your Mind

*