Duterte, muling nangako ng 24/7 na giyera kontra krimen at illegal drug

Dinalaw nina Presidential Bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang Pasay City na minarkahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang isa sa mga lungsod sa Metro Manila na may 100 percent drug affectation rate.

Kasama sa plataporma nina Duterte at Cayetano ang pagsugpo sa krimen at iligal na droga.

Nangako si Duterte ng 24/7 na giyera kontra krimen at illegal drug trafficking sa pamamagitan ng pagbuo ng “best and brightest” na militar at pulisya.

Bahagi aniya ng estratehiyang ito ang pagbibigay ng dagdag-sahod at benepisyo sa mga alagad ng batas at pagpaparusa sa mga bulok na pulis at abusadong sundalo.

Unang iginiit ni Duterte sa unang presidential debate sa Cagayan de Oro ang tatlo hanggang anim na buwang deadline para tiyaking mararamdaman ng mamamayan ang epekto ng kampanya laban sa krimen at droga.

Speak Your Mind

*