Endorso at suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pinasalamatan ni Mayor Duterte

Nagpapasalamat si Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pag-endorso at suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name.

Personal na inendorso ni Pastor Quiboloy si Duterte bilang kandidato sa pagka-pangulo para sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ginawa ang pag-endorso sa ginanap na Thanksgiving of Worship Gathering sa Jose Maria College sa Davao City.

Inihalintulad pa ni Pastor Quiboloy si Duterte kay David na tumalo sa higanteng si Goliath.

Bilang tugon, tiniyak naman ni Duterte na hindi niya bibiguin ang mamamayan na umaasa sa kaniya para malutas ang mga problema sa bansa.

Nanindigan si Duterte na siya ang nalalabing baraha ng mamamayan para malutas ang mga kinakaharap na suliranin ng bansa.

Speak Your Mind

*