Final testing at sealing ng mga VCMs, inihahanda na ng Comelec

Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa gagawing final testing at sealing ng mga Vote Counting Machines (VCMs) sa susunod na buwan ng Marso.

Ang nasabing mga VCMs ay ipapadala sa may tatlumpung Philippine Posts para sa Overseas Filipino Workers na lalahok sa darating na halalan.

Nakasaad sa Comelec Resolution Number 10051, na ang final testing at sealing ay gagawin tatlong buwan bago ang pagsisimula ng botohan ng mga OFWS na itinakda sa Abril a-nueve.

Samantala, umaabot na sa 9.9 milyong balota ang nalimbag ng National Printing Office.

Speak Your Mind

*