Gilas Pilipinas, balik ensayo na para sa Olympic Qualifying Tournament

Balik ensayo na ang Gilas Pilipinas bilang pagha­handa ng koponan para sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Hulyo.

Pinangunahan ito ni Coach Tab Baldwin at ni reigning back-to-back MVP June Mar Fajardo ang 12 pang players na nagpakita para sa once-a-week training ng gilas pilipinas.

Sumalang sa ensayo ay sina Marc Pingris, Terrence Romeo, La Tenorio, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Jeff Chan, Mo Tautuaa, Troy Rosario, Matt Ganuelas-Rosser at Cadets Kiefer Ravena at Kevin Ferrer.

Hindi naman sumipot sina Greg Slaughter, Ranidel De Ocampo, Paul Lee, Calvin Abueva, Jayson Castro, Ryan Reyes at Ian Sanggalang.

Speak Your Mind

*