Gordon, iginiit na dapat mag-imprenta ng voter receipt ang Comelec

Nanindigan si dating Senador Richard Gordon na dapat sundin ng Commission on Elections ang batas kaugnay sa pag-iimprenta ng voter receipt.

Ayon kay Gordon, mahalagang maprotektahan ang pagiging sagrado ng mga balota.

Dapat rin aniyang ma-verify at ma-audit na mga botante ang kanilang boto.

Duda naman si Gordon na magagamit ang naturang resibo sa pagbili ng boto.

Speak Your Mind

*