Hall of Famer bilang Child Friendly Municipality, target ng San Nicolas

Hangad ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Pangasinan na maging Hall of Famer bilang Child Friendly Municipality Awardee sa magkasunod na taon, 2014 hanggang 2015.

Ayon kay Mayor Rebecca Saldivar, isa itong motivating factor para lalong magsipag ang mga opisyal, department heads at mga empleyado ng munisipyo ng San Nicolas.

Sa mga programang pambata ay ipinapatupad ito ng administrasyon ni Saldivar sa mga edad zero hanggang sa mga mag-la-labing walong taong gulang.

Sa mga edad isa hanggang tatlong taong gulang ay may pabasa at ipinapaliwanag sa kanilang mga magulang ang mga pribilehiyo at karapatan ng mga bata.

Mayroon ring libreng bag para sa mga day care at grade one, mayroon ding libreng libro o metessori style at ang upgrading ng mga kaalaman ng mga day care workers.

Ipinapatupad din ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang suplemental feeding sa lahat ng day care centers katuwang ang DSWD Region one.

Binigyang diin ni Saldivar na kailangang mag-invest sa mga bata dahil walang magpapatuloy ng legacy kung hindi matiyak ang magandang kinabukasan ng mga bata.

Speak Your Mind

*