Hawaii, isinailalim na sa State of Emergency dahil sa dengue outbreak

Nasa ilalim ngayon ng State of Emergency ang Hawaii dahil sa dengue outbreak.

Ayon kay Hawaii County Mayor Billy Kenoi, nakapagtala ang Hawaii Health Office ng 250 kaso ng dengue sa loob lamang ng apat na buwan.

Dahil dito, inaatasan ni Kenoi ang bawat mamamayan ng Hawaii na itapon ang mga lumang gulong na pinamumugaran at pinangingitlugan ng mga lamok at pagpapanatili sa malinis na kapaligiran.

Sa tala ng Health Office, pinakamalaking dengue outbreak ang naitala ngayon simula noong 1940’s.

Ang lamok na Aedes Aegyti ang siyang carrier ng sakit na dengue kabilang na ang Yellow Fever, Zika Virus at Chikungunya.

Speak Your Mind

*