Heneral Luna, pasok sa 10th Asian Film Awards sa Macau

Doble ang tuwang nararamdaman ngayon ng aktor na Si John Arcilla matapos makapasok ang kaniyang pelikulang Heneral Luna sa 10th Asian Film Awards (AFA) sa Macau.

Nominado si John sa kategoryang best aktor para sa nasabing award giving body sa ibang bansa.

Nominado rin ang Heneral Luna sa best production design at best costume design.

Tanging ang Heneral Luna lamang sa mga pelikulang Pilipino ang nakakuha ng nominasyon para sa AFA ngayong taon.

Nakatakdang ganapin ang 2016 awards ceremony sa Marso a-disi-siyete sa Macau.

Speak Your Mind

*