Higit 100 katao, patuloy na hinahanap sa gumuhong gusali sa Taiwan

Mahigit sa isandaang katao pa ang patuloy na pinaghahanap mula sa gumuhong gusali sa Taiwan matapos ang magnitude 6.4 na lindol.

Kaninang umaga, dalawang survivors ang nasagip sa gumuhong gusali habang umakyat naman sa tatlumpu’t pito ang natagpuang patay.

Ikinalungkot naman ni Taiwan Mayor William Lai na mas marami ang nakukuhang labi kaysa sa mga naligtas sa sakuna.

Nagpaabot na ng pakikiramay at tulong si Chinese President Xi Jinping para sa pamilya ng mga nasawi.

Speak Your Mind

*