Hilary Clinton, wagi sa Democratic Presidential Race sa South Carolina

Wagi si Hilary Clinton laban kay Bernie Sanders sa kakatapos pa lamang na Democratic Presidential Election Race sa South Carolina.

Nakuha ni Clinton ang panalo sa South Carolina bunsod ng suporta mula sa African-American voters na unang tumalikod sa kaniya walong taon na ang nakakaraan.

Para kay Clinton, mahalaga ang kaniyang tagumpay sa South Carolina dahil hawak na nito ang momentum laban kay Sanders bago ang “super tuesday” sa susunod na linggo.

Kasabay din nito ang sabay-sabay na pagsasagawa ng primaries sa may labindalawang estado ng Amerika.

Nabatid na sa super tuesday ay nakalalamang si Clinton sa sampung mga estado habang baluwarte naman ni Sanders ang Vermont at Massachusetts.

Speak Your Mind

*