Aid convoy para sa mga apektado ng gulo sa Syria, parating na

Patungo na sa mga nakubkob na lugar sa Syria ang mga aid convoy.

Ayon kay UN Envoy Staffan de Mistura, magsisilbi itong Litmus test sa mga magkalabang grupo kung seryoso ang mga ito na payagang makarating ang mga humanitarian supplies.

Ilan sa mga lugar na makakatanggap ng tulong ang bayan ng madaya kung saan nakakaranas na ng matinding gutom ang mga tao roon.

Nito lamang nakaraang linggo ay nagkaisa ang mga pinaka-makakapangyarihang bansa para sa malawakang “cessation of hostilities” at pagpapabilis ng pagdedeliver ng mga tulong.

Speak Your Mind

*