Ika-labinwalong Oplan Galugad, may nasabat pa ring kontrabando

Nakasamsam pa rin ng mga kontrabando ang Bureau of Corrections (BUCOR) sa ika-labinwalong Oplan Galugad sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Isinagawa ang naturang Oplan Galugad sa Maximum Security Compound ng National Penitentiary.

Nasabat ang siyam na T.V sets at iba pang appliances.

Inaalam na rin ang katumbas na halaga ng mga drogang nakumpiska sa mga kubol.

Kasabay nito ay giniba rin ang mga kubol na pinagtataguan ng mga kontrabando.

Tiniyak naman ng Bucor na muli silang maglulunsad ng Oplan Galugad hangga’t hindi nauubos ang mga kontrabando sa Bilibid.

Speak Your Mind

*