Ilan sa mga itinuturing na EDSA People Power Icon, pinarangalan

Pinarangalan ang ilan sa mga itinuturing na Edsa People Power One Icon.

Tinanggap ni Dr. Carlos Magsanoc at ng kaniyang pamilya ang heroes award na iginawad para sa yumaong asawa na si Letty Jimenez-Magsanoc, dating editor in Chief ng Philippine Daily Inquirer.

Ginawaran rin ng Heroes Award ang Founding Chairman ng Philippine Daily Inquirer na si Eugenia Apostol.

Matatandaang magkatuwang sina Magsanoc at Apostol sa paglalabas ng noo’y Mr. and Ms. Special Edition kung saan isinulat nila ang mga kaganapan matapos ang pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino hanggang sa libing nito.

Speak Your Mind

*