ISIS, kumikilos na rin umano sa Asya

Pinangangambahan ngayon ng United Nation (U.N) ang posibleng idulot ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa Asya.

Ayon kay UN Secretary General Ban Ki-Moon, nakatanggap sila ng ulat na nasa Asya na ang mga galamay ng ISIS tulad ng Tehreek-E-Khilafat sa Pakistan.

Sa ulat ni Ki-Moon kay Jeffrey Feltman, Under-Secretary-General for Political Affairs, lumalawak na aniya ang koneksiyon ng grupo sa Afghanistan at Pakistan na nagiging banta na sa mga kalapit nitong bansa.

Matatandaang inako ng Jihadist Group ang pag-atake sa isang Pakistani Consulate sa Jalalabad, Afghanistan nitong nakalipas na buwan ng Enero ngayong taon.

Speak Your Mind

*